Encounter in the Dark

I’m not given a chance to murmur saccharine aphorisms

While watching the light kisses his cheek

Nor to mumble euphoric metaphors

Through his melting stares,

shadowed by those chiseled brow

Oh! never had a sight of that smile

Sending abrupt pinches in my stomach

In the midst of devouring dusk

Forbidden even stealth glances

So I just sink my fingertips

Onto his crooked midnight sentiments

And rove my hand on the skin of his passion

Advertisements

Papel

Minsan, tila isang aswang ang maputing papel

May katumbas na kilabot at kalabog ng dibdib

Ang ilang segundong paglapat ng mga tingin

Nagngangalit ang pangil ng walang katapusang patlang

Sabik sagpangin ang nangangatog na manunulat

Sa takot, lalamukusin ito ng manunulat

Pupunitin, ihahagis kung saan man

Ngunit kahit gulagulanit, ngingisi ito at bubulong:

“Takbo duwag, d’yan ka naman magaling”

Makulit Ang Araw

Nakakabingi ang talastasan ng kulisap at buwan

Sumabay pa ito sa malungkot na awitin ng mga hikbi

Ng mga nilalang na tila alikabok

Na winasiwas sa rabaw ng mundo

 

Ngunit hindi magtatagal ay mapapagod din ang buwan at mga kulisap

Maiisipan din nilang magpahinga at magparaya

Sa makulit na araw na ang tanging nais ay magliwanag

Yayakapin nya ito ng mahigpit nang maging maligamgam ang mundong nilingkis ng lamig

 

Matagal maibsan ang pangangaligkig na sukbit ng kalungkutan

Ngunit pitong beses sa isang linggo

Tatlumpung araw sa isang buwan

Tatlong daan animnapu’t lima sa isang taon

Ang pagkakataon ng araw at ng kanyang liwanag

Upang sumikat sa balat ng daigdig

 

 

*Isang tula matapos ang unos na hatid ng isang bagyo

Kape

Hindi masarap ang kape

nakapapaso ang init

gumuguhit ang pait

 

Hindi masarap ang kape, ngunit

nakakamanhid ang init

nakahuhumaling ang pait

 

Hindi masarap ang kape, dahil 

sa tuwing napawi ng init ang panlalamig

at muling natagpuan ang tamis sa pait

bigla. . . 

Lilitaw ang ilalim ng tasa

Simula

Nagmamadali. . .

Pinilit kong habulin ang bawat segundo

Sa kanto. . . 

Naabutan kong nakatambay ang lagalag na haraya

Nakakainggit. . .

Hinahapo ako sa pagmamadali

Habang sya’y pakuya-kuyakoy lang sa isang tabi

Pwede ba’ng makiupo? naitanong ko sa kanya

Maaari bang makipag kwentuhan? dagdag ko pa

                                                                                             Bakit hindi? Ang sagot n’ya

.

.

.

At nasa harap mo ngayon. . . 

. . . ang aming mga huntahan

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: